ABS-CBN Fact Check
@abscbnfactcheck
Independent fact-checking by @news.abs-cbn.com. Help us fight disinformation. Send us dubious claims: factcheck@abs-cbn.com or
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Binago ang mga pangalan ng mag-amang Matugas sa isang art card ng ABS-CBN News at pinalitan ng mga pangalan ng mag-asawang Barbers. Tungkol ang ulat sa pagrekomenda ng kaso kaugnay ng road project sa Surigao del Norte. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Maling iniuugnay sa kasalukuyang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang noo’y pahayag ni Akbayan Rep. Chel Diokno tungkol sa mga Pilipinong pabor na humarap sa paglilitis si Duterte. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Hindi totoong “pinauwi” ang testigong si Marivic Pareja sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil walang saysay ang kanyang testimonya. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Bagama’t totoo na pansamantalang nakalaya si dating Senator Bong Revilla matapos makapagpiyansa, hindi ito nangangahulugang naibasura na ang mga kaso laban sa kaniya o napawalang-sala na siya. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong ililibing sa Libingan ng mga Bayani ang vlogger na si Mima Alicia, at pinabulaanan ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan na isinusulong niya ang pagpapalibing sa vlogger sa nasabing himlayan. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING As of 6PM, July 28, 2026, umabot na sa 4.3M views at 17.5K shares ang ibinahagi ni Sen. Pia Cayetano na spliced video ng paliwanag ni Akbayan Rep. Chel Diokno. Sa naturang video, naiba ang kahulugan ng pahayag ni Diokno. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Walang dagdag na gastos ang Senado sa impeachment trial ni VP Sara Duterte. Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, pareho lamang ang ginagastos ng Senado kada araw bilang impeachment court at sa mga regular na sesyon. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Hindi sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ipakukulong niya si Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa umano’y anomalya sa 2019 SEA Games infrastructure projects. Inanunsyo lamang ni Matibag ang pagsisimula ng imbestigasyon. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong ibinasura ng Ombudsman ang umano’y kaso laban kay Leyte Rep. Martin Romualdez. Wala pang kasong naihahain sa kaniya at patuloy pang iniimbestigahan ang kaniyang umano’y kaugnayan sa maanomalyang flood control projects. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Mula sa Trillion Peso March na ginanap noong 2025 ang larawang kumakalat online at hindi mula sa rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, o INC, noong July 1, 2026, taliwas sa isang post sa social media. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang inilabas na art card ang ABS‑CBN News kaugnay sa umano’y pahayag ni Rep. Lordan Suan tungkol sa Tacloban shooting noong June 22, 2026. Mariin itong itinanggi ni Suan at iginiit na wala siyang inilabas na anumang pahayag. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Taliwas sa kumakalat online, hindi inanunsiyo ng Department of Education ang pagtanggal ng Grade 11 at Grade 12 simula July 2026. Pinabulaanan na ng ahensiya ang mga naturang post. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi kuha sa magnitude 7.8 na lindol noong June 8, 2026 ang ilang video na kumakalat online. Ang mga ito ay kuha sa Davao Oriental at Thailand noong 2025 na maling iniuugnay sa kamakailang pagyanig. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang sinabi si ICC Judge Joanna Korner na hindi dapat makulong si ex-Pres. Rodrigo Duterte dahil walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa. Sa katunayan, noong May 27, 2026, inanunsyo ang petsa ng pagsisimula ng paglilitis kay Duterte. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Hindi ipinanukala ang online voting para kay Sen. Leila de Lima sa Senate sessions habang siya ay nakadetine. Iba ito sa panukala ni Sen. Rodante Marcoleta na payagan ang online voting. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Wala pang itinatalagang chairperson ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ang Senado matapos ang reorganisasyon dahil sa pagpapalit ng liderato. Sa ngayon, May 21, 2026, ay wala pang anunsyo tungkol dito. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi sinabi ni Sen. Sotto na kahihiyan ang pagpapapalit sa kanya bilang Senate President. Ang pahayag na “nakakahiya sa taong bayan” ay tugon niya ukol sa posibilidad na hindi matuloy ang impeachment trial laban kay VP Duterte. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi namigay ng libreng air conditioner ang DSWD sa mga benepisyaryo ng 4Ps, taliwas sa kumakalat online. Nilinaw ng ahensiya na ang programa ay nakatuon lamang sa tulong pinansyal at hindi sa pamamahagi ng anumang kagamitan. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoo ang mga larawan ni ABS-CBN News anchor Karen Davila na nakikipag-away kina Amando Tetangco Jr. at Benjamin Diokno na mga dating BSP Gov. Nilagyan ang mga ito ng ABS-CBN logo at ipinakalat bilang sponsored Facebook posts. @news.abs-cbn.com
Kapansin-pansin din ang hindi tugmang “chargen” o teksto sa ibabang screen kumpara sa karaniwang itsura ng mga programa ng ANC, na indikasyon na ito ay peke at manipulado.
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong nagka-alitan sina financial expert Randell Tiongson at Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Gov. Eli Remolona Jr. sa ANC, taliwas sa ipinapakitang larawan sa isang sponsored Facebook post. Pinabulaanan na rin ito ng BSP. @news.abs-cbn.com
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Peke at AI-generated ang kumakalat na larawan ng diumano’y pag-aresto kay dating Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Prague, Czech Republic. Wala ring inilabas na larawan ang gobyerno ng Pilipinas o Czech Republic kaugnay nito. @news.abs-cbn.com
Sa isa pang screenshot na kumalat, makikita na nilapatan ang nasabing screenshot ng ibang logo at hindi ang tunay na logo ng ABS-CBN News, at pinalitan ng ibang petsa ang post na inilabas noong April 8.
Ang totoo, ang inilabas ng ABS-CBN News noong April 8 na may caption na pareho sa mababasa sa isang screenshot ay Facebook reel at quote card. Ang larawan na ginamit ay hiwalay na ulat ukol sa 75th anniversary ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas sa parehong araw.
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Manipulado ang mga kumakalat na screenshot ng social media posts ng ABS-CBN News. Ipinalalabas ng mga ito na gumamit at nagmanipula ang ABS-CBN News ng mga lumang larawan nang iulat nito ang kalagayan ni President Ferdinand Marcos Jr. @news.abs-cbn.com
Ginamit sa pekeng website ang interface at disenyo ng ABS-CBN News at ang pangalan ng journalist nitong si Arthur Fuentes. Ang pekeng website ay may link na autf-sed.top at hindi ang lehitimong Uniform Resource Locator, o URL, ng ABS-CBN News na abs-cbn.com/news.
Walang ulat ang ABS-CBN News tungkol sa isang investment platform na diumano’y ineendorso ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan maaring kumita ng malaking halaga ng pera sa loob ng isang linggo. @news.abs-cbn.com
Batay sa reverse image search, maaaring kuha ang litrato ni Sotto sa Sikhay Laban sa Korapsyon (SiLaK) forum ng Office of the Ombudsman noong Dec. 9, 2025. Makikitang tugma ang suot ni Sotto at ang kanyang background sa video ng naturang forum at sa nasabing ad.
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang ulat ang TV Patrol na inudyukan diumano ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng digmaan, taliwas sa sinasabi sa isang Facebook ad. Wala ring batayan na may naging ganitong pahayag si Sotto. @ABSCBNNews
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang inanunsyong “energy lockdown” sa Pilipinas dahil sa diumano’y kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa. Nauna na itong pinabulaanan ng Malacañang at sinabing walang nakikitang posibilidad na ipatupad ito sa bansa sa kasalukuyan.